Lamentable excuses of my existance, random morbid thoughts and head doodles.
<

Naglipana sa aking gunita,

Mga piraso ng tagpo

Sa ilalim ng akasya

Sa panahon ng kalayaan

Panahon ng kagitingan.

Naaninag ko ang panibugho

sa iyong mukha

Sumpa sa mga tulad kong dukha

Isang sampal sa aking pagkatao

minsang sinambit

Ang pangakong sa akin

minsang ipinilit.

Di mawari kung bakit

gayong layon ang ninais,

Ito ngayon ay dahilan

ng aking mga hinagpis.

At doon sa ilalim ng mg apunong akasya,

puso’t pangarap ko ay nailibing na.

(masaya ka na ba? masaya bang makitang nahihirapan ako? ayoko na.  utang na loob, ayoko na.)

February 27th, 2007 at 8:06 pm